IQNA

Nilapastangan ang Qur’an sa Panahon ng Pag-atake ng Poot sa Moske ng Sheffield

13:31 - January 14, 2023
News ID: 3005035
TEHRAN (IQNA) – Napunit ang ilang mga kopya at ang Banal na Qur’an at iba pang mga aklat ng Islam sa panahon ng pag-atake sa Moske ng Jamia Abdullah Bin Masood sa Sheffield, UK.

Ang pag-atake sa moske na matatagpuan sa Sheffield, South Yorkshire, ay minarkahan ang pinakabagong mga krimen ng poot laban sa mga Muslim sa United Kingdom.

Katulad ng iniulat ng itvnews, ang iba't ibang mga pasilidad ng moske ay nasira at ninakawan ng mga magnanakaw sa pag-atake sa moske, na alin bahagi umano na krimen na na-uudyokan na pangresis. Makikita ito sa kumakalat na mga larawan, mga dokumentong panrelihiyon at maging ang banal na aklat ng Muslim, ang Banal na Qur’an, ay napunit at iniwang nagkalat sa sahig ng moske.

Hanggang ngayon, kinukuwenta pa rin ng nangangasiwa ng moske ang kabuuang halaga ng pagkasira at pagnanakaw ng mga pasilidad sa moske. Ang mga pinuno na panrelihiyon ay iniulat din na ilang mga araw na nahihirapan upang maibalik sa normal ang moske.

Ang tanggapang maluwak na lugar para sa mga matatanda at kabataan na karaniwang ibinibigay ng moske sa komunidad ay pinilit na pansamantalang suspindihin ang mga serbisyo pagkatapos masira ang karamihan sa mga pasilidad nito at ninakaw ang mga elektroniko sa pag-atake.

Quran Desecrated during Attack on Sheffield Mosque

Iniulat na iniimbestigahan ng Pulisya ng South Yorkshire ang pag-atake at hinihiling ang sinumang may anumang impormasyon tungkol sa pag-atake na iulat ito kaagad.

Bagama't hindi pa rin malinaw ang pagkakakilanlan ng umaatake, naniniwala ang mga awtoridad na ang pag-atake na ito ay udyok ng mga krimen ng poot, na alin tumaas nang malaki sa nakaraang mga taon.

Isang survey na isinagawa ng dalawang British Muslim na mga organisasyon – Muslim Engagement and Development (MEND) at ang Muslim Census noong kalagitnaan ng 2022 ay nagsiwalat na humigit-kumulang 42 porsiyento ng mga moske o institusyong Islamiko sa UK ang naging pangunahing puntarya ng mga pag-atake na may motibo sa panrelihiyon sa nakalipas na tatlong mga taon.

Sinabi ng direktor ng inatakeng Moske sa Sheffield na si Shafiq Mohammed sa isang pahayag na pinagsisihan niya ang pag-atake. Sinabi niya na ang moske ay isang sentrong pamayanan na nagsilbi sa maraming mga tao sa lugar at hindi kailanman nanakit ng sinuman.

Ang komunidad ay sinasabing ngayon ay nagtutulungan upang linisin ang sentro na kanilang pinahahalagahan. Umaasa ang pamunuan ng moske na babalik sa normal ang mga serbisyo sa lalong madaling panahon, at hindi na mauulit ang mga katulad na pag-atake.

                                                                                                                                                  

 

3482048

captcha